Spox sa pagtatrabaho ni Digong sa Marcos admin: ‘There is no legal impediment’

Spox sa pagtatrabaho ni Digong sa Marcos admin: ‘There is no legal impediment’

May 27, 2022 @ 3:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Maaaring magtrabaho si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng papasok na administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos Jr.

“There is no legal impediment in the event that the President accepts an offer to serve under the Executive branch in a Marcos administration,” ayon kay deputy presidential spokesperson Kris Ablan.

Tugon ito ni Ablan sa tanong ng media kaugnay sa posibilidad na maitalaga si Pangulong Duterte bilang anti-illegal drug czar sa ilalim ng Marcos administration.

Sinabi pa ni Ablan na bahala na ang Chief Executive kung tatanggapin nito ang alok sakali’t gawin nga ito ni Marcos.

Aniya pa, “as far as the Palace knows, the President is looking forward to his retirement.”

Nauna rito, wala namang problema kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kung sasama si Pangulong Duterte sa kanyang administrasyon at maging drug czar.

“If he wants to,” ayon kay Marcos, Jr. sa posibilidad na makasama sa kanyang administrasyon ang outgoing President bilang drug czar.

At nang tanungin si Marcos kung ito ay standing offer, sinabi ni Marcos na hindi pa nila pinag-uusapan ni Pangulong Duterte ang bagay na ito.

“No, he has not, we have not talked about it. But I am open to anyone who is able to help in the government so matagal na kaming magkaibigan ni PRRD, noong mayor pa siya long long time ago,” anito.

“So I’m sure if he wants to play a part sasabihin naman niya sa akin, I am certainly open to that.” dagdag na pahayag ni Marcos.

Napaulat na hiniling ni Pangulong Duterte kay Marcos, Jr. sa isang pag-uusap bago pa ang eleksyon na ipagpatuloy nito ang kanyang drug war .

“Ang napapag-usapan namin bago pa mag-election, basta itong mga bagay na ito ituloy mo, that is the request that is so important to him. Still, siyempre yung kanyang priority is the anti-drug problem,” ayon kay Marcos.

“Ang kanya sinasabi niya, one thing he was assertive about [was] ituloy ang anti-drug syndicate (sic) na sinimulan ko. Do it your own way. He really said that. Palitan mo… but wag mong iiwanan yan kasi kawawa ang kabataan natin. Talagang nasisira ang buhay nila,” aniya pa rin.

Nauna rito, sinabi ni Marcos na kung itutuloy niya ang giyera laban sa ilegal na droga na sinimulan ni Pangulong Duterte ay gagawin niya ito sa sarili nitong paraan. Kris Jose