Spurs dapa sa Nuggets

Spurs dapa sa Nuggets

August 6, 2020 @ 10:58 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

ORLANDO, Florida – Umiskor si Michael Porter Jr. ng 30 points para pangunahan ang Denver Nuggets na talunin ang San Antonio Spurs 132-126 sa seeding stage ng National Basketball Association (NBA).

Umambag si Jerami Grant ng 22 points para sa panalo ng Nuggets na lumalaban ngayon para makakuha ng spot sa playoffs.

Matapos umiskor ng career-high 37 points sa panalo ng Denver kontra sa Oklahoma City Thunder, tuloy pa rin ang pananalasa ni Porter sa laban kontra San Antonio.

Tumulong din sa Denver si Nikola Jokic na may 25 points at 11 assists na hawak ngayon ang No. 2 seed sa restart ng NBA.

Sa panig naman ng Spurs, nanguna si Rudy Gay na may 24 points para sa koponan na humahabol para makuha ang No. 8 spot sa playoffs. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...