Spurs durog sa Lakers sa pagbabalik ni LeBron

Spurs durog sa Lakers sa pagbabalik ni LeBron

November 26, 2022 @ 12:53 PM 3 months ago


SAN ANTONIO — Umiskor si LeBron James ng 21 puntos sa kanyang pagbabalik mula sa limang larong pamamahinga habang si Anthony Davis ay may 25 puntos at 15 rebounds para talunin ng Los Angeles Lakers ang San Antonio Spurs, 105-94 ngayong Sabado, para sa unang panalo ng koponan sa road game.

Hindi nag-aksaya ng oras si James na ipakita ang husay,  matapos dumanas ng strained left adductor, at agad na isinalpak ang unang puntos ng Lakers sa 17 segundo ng 1st quarter.

Natalo ang San Antonio sa ikapitong sunod na pagkakataon, ang pangalawang pinakamatagal na sunod-sunod na pagkatalo sa NBA ngayong season.

Nanguna para sa Spurs si Tre Jones na may 19 puntos habang nagdagdag si Devin Vassell ng 18 at si Keldon Johnson ay may 15.

Kumamada si Lonnie Walker IV ng 18 puntos sa kanyang pagbabalik sa San Antonio matapos pumirma sa Lakers sa offseason.

Si Walker, na 4 for 9 sa 3-pointers, ay lumingon sa bench ng Spurs, umiling-iling at nagkibit balikat pagkatapos ng 3-pointer na nagbigay sa Lakers ng 51-37 kalamangan.

Sa pag-upo nina James at Davis, naglunsad ang San Antonio sa  ikatlong quarter sa 11-2 run para putulin ang kalamangan ng Los Angeles sa lima, 79-74.

Nanguna si James sa 11-0 run matapos makalapit ang Spurs sa 81-78.JC