Sputnik V plant sa Russia iinspeksyunin ng FDA

Sputnik V plant sa Russia iinspeksyunin ng FDA

March 13, 2021 @ 12:51 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Nakatakdang lumipad ang grupo ng Food and Drug Administration – Philippines sa Russia sa susunod na Linggo upang inspeksyunin ang Sputnik V vaccine manufacturing plant ng Gamaleya Institute.

Sa panayam ng “Dobol B TV,” sinabi ni FDA director-general Eric Domingo na ang planong pagbisita sa Russia ay may koordinasyon ng Department of Foreign Affairs at Russian Embassy to the Philippines.

Giit ni Domingo, kailangan ang site inspection kung bigong makakapagsumite ang  Sputnik V’s manufacturer ng good manufacturing practice (GMP) certification.

Kung aabutin aniya ito ng matagal, ang tangi nilang magagawa ay inspeksyunin ang kanilang planta.

“They submitted certification of inspection from other partner countries. If that’s the case, we accept it. If Sputnik V submits a [GMP] certification, there is no need for inspection.”

“If they don’t have GMP certification, we have to inspect it ourselves. The flight to Russia is scheduled next week,” punto pa nito. RNT/FGDC