‘Squammy Walk,’ ibibida ni Nicole Budol sa Binibining Pilipinas!

‘Squammy Walk,’ ibibida ni Nicole Budol sa Binibining Pilipinas!

July 4, 2022 @ 7:10 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Naging emosyunal sa Nicole Budol aka Hipon Girl sa mga mensahe ng mga taong malalapit sa kanya sa kanyang Meet the Press nu’ng Linggo, July 3,2022.

Si Nicole, number 8, ay isa sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2022 kung saan ay nasa ilalim siya ng mentorship ng Kagandahang Flores ni Rodgil Flores.

“Proud ako sa iyo,” sabi ni Tatay Aurelio, ang kanyang lolo.

“Nandito kami para sorpresahin ka, sana manalo ka, prour na proud kami lalo na kung mananalo ka, para ito sa ating mga Budol, laban lang, I love you anak,” sabi naman ng kanyang tatay na si Papa Ibe.

“We are here lang sa likod mo, susuportahan ka namin all the way, I love you, Mima,” message naman sa kanya ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

In a while ay si Hipon Girl naman ang nagsalita na hindi napigilang umiyak dahil naalala ang kanyang namayapang lola na si Lola Bireng.

“Sayang, wala si Nanay, kumpleto na ako (tawag niya sa lolang namayapa). Happy po ako sa lahat nang nangyayari sa buhay ko pero hndi ako titigil. Nanay kung nasaan ka man, I love you. Hindi po ako makukuntento araw araw po akong matututo.

“Thanks sa fanily ko kayo ang inspirasyon ko. Longing ako sa lahat ng pagmamahal.

“Parang genie ko si sir Wilbert (manager ni Hipon), daig ko pa ang nanalo sa lotto. Sa sobrang dami nang binigay niya sa pamilya ko, thank you, ginawa ka ng panginoon na instrumento para matupad pangarap ng family ko.

“Si sir Wilbert ang mentor ko, sponsor ko, siya ang nag-udyok sa akin na pasukin ko ang Binibining Pilipinas. Grabe magbigay, head to foot. Ang best thing kay sir Wilbert, everything,” ,” sabi ni Herlene habang walang tigil ang agos ng kanyang luha.

Sinabi naman ni Sir Wilbert na ibibida ni Herlene sa swimsuit competition ang “Squammy Walk”. Sina sir Wilbert at Rodgil ang nakaisip ng walk na ‘yun.

Wala pang dinetalye ang kampo ni Herlene kung paano niya irarampa ang ‘Squammy Walk’ pero siniguro naman nila na classy ang maganda ang dating ng walk na ‘yun.

Kung matatandaan ay pinasikat ni Ms Universe Catriona Gray ang ‘Lava Walk’ sa stage.

“Sosyal ang Squammy Walk. May signature and may sariling tatak,” sabi ni Wilbert.

Ang gagawa ng long gown ni Herlene ay si Rhian Fernandez at ang national costume naman ay si Patrick Serenas. Anv halaga raw ng susuutin ni Herlene ay parehkng nagkakahalaga ng may six figures.

Expensive! Can’t wait to see it! JP Ignacio