Squid Game, gumawa ng history sa 28th SAG Awards 2022!

Squid Game, gumawa ng history sa 28th SAG Awards 2022!

March 2, 2022 @ 10:00 AM 3 months ago


California, USA – Gumawa ng history ang Korean survival thriller series na Squid Game sa katatapos lang na 28th SAG Awards dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagwagi ang isang non-english language television series sa nasabing award-giving body.

Nakatanggap ng apat na nominations ang Squid Game; Outstanding Performance by an Ensemble in a Drama Series; Outstanding Action Performance by a Stunt Ensemble in a Comedy or Drama Television Series; Outstanding Performance by a Male Actor in a Drama Series for star Lee Jung-jae, at Outstanding Performance by a Female Actor in a Drama Series for Star Jung Ho-yeon, kung saan nagwagi ang dalawa.

Iniuwi rin ng Squid Game ang Outstanding Action Performance by a Stunt Ensemble in a Television Series. Sa kabuuan, 3 out of 4 nominations ang napanalunan ng nasabing programa.

Ang 28th SAG (Screen Actors Guild) Awards na ginanap sa Barker Hangar ng Santa Monica Airport sa Santa Monica, California ay American-based award-giving body na kinikilala ang pinakamahuhusay na aktor sa larangan ng telebisyon at pelikula. Paula Jonabelle Ignacio