SRA allocation sa 2022 budget ikinatuwa ng PNA

SRA allocation sa 2022 budget ikinatuwa ng PNA

January 2, 2022 @ 2:24 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Nurses Association (PNA) nitong Linggo na malugod nitong tinatanggap ang nakalaang P50 bilyong special risk allowance (SRA) ng medical frontliners sa 2022 national budget.

Ani PNA President Melbert Reyes, tinatayang nasa isang milyong health workers, kung saan kalahati dito ang nurses, mula sa pampubliko at pribadong ospital ang makikinabang sa SRA allotment.

“Across the board [ang pagbibigay ng SRA], lahat ng health workers ay mabibigyan equally,” sabi ni Reyes sa ABS-CBN.

Hindi naman sigurado si Reyes sa eksaktong halaga na makukuha ng bawat isang health worker, subalit aniya, orihinal niyang inirekomenta ang P15,000 SRA.

Aniya pa, nakapaloob sa SRA ang ā€œmeals, accommodation, and transportationā€ (MAT) allowance.

“Parang one-time compensation siya. It covers all,” pahayag niya.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2022 budget noong Disyembre 30.

Noong isang taon, ang pagkaantala ng paglalabas ng mga benepisyo ng mga health worker ang naging mitsa ng protesta ng medical frontliners sa buong bansa. RNT/SA