SRA chief, execs nahaharap sa graft complaints

SRA chief, execs nahaharap sa graft complaints

May 13, 2022 @ 9:22 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naghain ang isang sugar farmer mula sa Negros Occidental ng graft complaints laban sa mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa pangunguna ni Administrator Hermenegildo Serafica na sangkot sa pag-uutos ng importasyon ng 200,000 metric tons ng refined sugar.

Kinasuhan ni Enrique Tayo, chairman ng Negros Occidental Federation of Farmers Association (NOFFA), ang mga opisyal ng SRA ng paglabag sa Republic Act (RA) 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Tanggapan ng Ombudsman sa Quezon City, araw ng Miyerkules.

Ang kopya ng reklamo ay ibinahagi sa mga mamamahayag, araw ng Huwebes ng Negros-based Asociacion de Agricultores de la Carlota y Pontevedra Inc. (AALCPI), na nag-anunsyo na sasama sila sa Tayo sa paghahain ng reklamo.

Maliban kay Serafica, kabilang din sa mga respondents sina Deputy Administrator for Regulations Guillermo Tejida III at iba pang SRA officials na “endorsed, approved, aided and abetted in the commission of acts constituting graft and corrupt practices”.

“We will also file graft and corrupt practices cases against industrial users of sugar who conspired with public officers in the commission of these unlawful acts,” ayon kay AALCPI general manager David Alba sa isang kalatas.

Ang AALCPI, isang independent sugar group ang pinakamalaki sa Negros Island na mayroong 13,000 miyembro, karamihan ay agrarian reform beneficiaries (ARBs).

Nauna nang umakto si Alba bilang intervenor sa isang kaso na orihinal na isinampa ng NOFFA laban sa Sugar Order (SO) No. 3 na hanggang sa ngayon ay nakabinbin ang resolusyon sa Regional Trial Court sa Himamaylan City, Negros Occidental.

“In the first week of May, the United Sugar Producers Federation (UNIFED) called out the SRA and the Department of Agriculture for proceeding with the importation of refined sugar mandated by SO 3 since there is a pending case against such action,” ayon sa ulat.

“SO 3 allows the importation of 200,000 metric tons of refined sugar for industrial users, mainly major food and beverage manufacturers, between March 1 and May 1, but the sugar producers called it “ill-timed” as it would happen at the peak of the milling season. In February, the courts in Sagay City and Himamaylan City issued separate preliminary injunctions on SO 3, with an order to maintain the status quo to be effective until the termination of this case unless earlier lifted,” ayon pa rin sa ulat. Kris Jose