SRA: Mga bodega ng asukal inaalam kung pugad ng hoarding, ‘economic sabotage’

SRA: Mga bodega ng asukal inaalam kung pugad ng hoarding, ‘economic sabotage’

August 20, 2022 @ 2:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inaalam ngayon ng gobyerno kung ang kamakailan lamang na pag-inspeksyon sa mga bodega ay ginagamit para sa pag-hoard ng sugar stocks at kung nauugnay ito sa economic sabotage

“We have to understand that hoarding is an offense subject to verification,” ayon kay Sugar Regulatory Administration (SRA) Deputy Administrator Guillermo Tejida III.

“Even the Department of Trade and Industry would not categorically state that there is hoarding in these warehouses,”dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ni Tejida na ang “hoarding would be determined, for example, more than half of your storage capacity are not moving. This is effectively depriving the public of availing the product/ commodity such as sugar. There is clear, maybe, a high indication that there is hoarding.”

Para naman sa Bureau of Customs (BoC), sinabi ni Tejida na “they are looking at the possibility of economic sabotage.”

Araw ng Biyernes, sinabi ng Malakanyang na ang pag-inspeksyon ng mga bodega ay magpapatuloy para madetermina kung ang isyu ng suplay ng asukal ay artificial

Ani Tejida, ang mga ininspeksyon na bodega ay hindi rehistrado para mag-operate ng mga bodega para nag-imbak ng asukal. RNT/SA