SRA pinabubuwag ng mambabatas

SRA pinabubuwag ng mambabatas

September 27, 2022 @ 10:18 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Itinutulak ng isang mambabatas sa House of Representatives ang pagbasura sa Sugar Regulatory Administration (SRA) na inakusahan niyang hindi natugunan ang mga isyu sa produksyon at gastos ng mga bilihin.

Inihain ni Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr. ang House Bill No. 5081 na nagmumungkahi na buwagin ang SRA at ilipat ang mga kapangyarihan at tungkulin nito sa supervising agency nito, ang Department of Agriculture (DA).

Sa explanatory note ng kanyang panukalang batas na inilabas sa media noong Lunes, idineklara ni Abante na “ang incompetence at corruption na laganap sa SRA” ay nagdaragdag sa mga problemang kinakaharap na ng industriya ng asukal.

Sinabi ng mambabatas na ang SRA, sa pagpapatupad ng iba’t ibang mga paghihigpit sa domestic sugar industry, ay hindi nakatulong sa pagkamit ng mas mataas na lokal na produksyon. Dahil dito, sinabi niya na ang domestic output ay kumapos sa pangangailangan.

“Walang inaalok na solusyon ang SRA. Sa katunayan, ito ay nanatili at patuloy na magiging problema,” giit ni Abante. “Kaya, mas mabuting kalusin na ang ahensya ngayon at ilipat ang mga kapangyarihan, tungkulin at badyet nito sa Department of Agriculture.” RNT