SRA: Suplay ng asukal sa Pinas posibleng maubos sa Agosto

SRA: Suplay ng asukal sa Pinas posibleng maubos sa Agosto

July 8, 2022 @ 10:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Posibleng magkulang ang suplay ng asukal sa bansa sa Agosto sakaling ipagbawal ng pamahalaan ang importasyon ng asukal, ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA).

Inihayag nito na isa lamang sa 13 refineries ang operational dahil karamihan sa kanila ay tumigil na sa produksyon noong Mayo.

“If we rely on our local production alone and do not allow importation, by August, we won’t have enough sugar and we won’t have any carryover stocks for our needs in the coming months until production builds up,” pahayag ng SRA.

“Refineries also start later than the raw mills since refineries need to wait for raw sugar stock to build up before they can start refining,” giit pa nito.

Aabot ang carry-over stock para sa refined sugar ng bansa, ayon sa SRA, sa 144,000 metric tons.

“Our estimated refined sugar production is 771,000 metric tons giving us a total refined sugar stock balance of 915.000 metric tons,” patuloy nito.

Subalit ang estimated demand ng bansa para sa refined sugar ay 943,000 metric tons, na may average monthly demand na 83,000 metric tons.

Para sa mga indibidwal naman na hindi naniniwalang may kakulangan sa asukal, sinabi ng SRA na, “sugar shortage is real, it is not a figment of the imagination.”

“Those who claim otherwise either 1) do not have all the information they need to properly analyze the situation; 2) are just trying to manipulate perception to suit their own self-interest and hidden agenda; or 3) refuse to see what is right in front of them because of their own delusions.” RNT/SA