Sri Lanka President tumakas sa Singapore

Sri Lanka President tumakas sa Singapore

July 14, 2022 @ 7:35 PM 1 month ago


TUMAKAS umano patungong Singapore si Sri Lanka President Gotabaya Rajapaksa.

Unang lumipad patungong Maldives si Rajapaksa mula sa kanilang bansa pero sinalubong din siya ng protesta roon kung saan siya pinalalayas.

Ayon sa source, papunta na sa Singapore si Rajapaska at inaasahang doon muna siya mananatili pansamantala.

Matatandaang tumakas lulan ng military jet si Rajapaksa kasama ang kaniyang maybahay matapos ang pagsiklab ng malawakang kilos-protesta sa Sri Lanka dahil sa nararanasang krisis sa ekonomiya.

Hanggang ngayong araw, hindi pa rin nagbibitiw sa pwesto si Rajapaksa kahit nagkasundo na sila ng mga anti-governmenty protesters na lisanin ang mga sinugod nilang gusali. RNT/ JCM