SRP sa bigas, ipatutupad sa huling linggo ng Oktubre

SRP sa bigas, ipatutupad sa huling linggo ng Oktubre

October 7, 2018 @ 3:36 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Sa huling linggo ng Oktubre ipatutupad ang paglalagay ng Suggested Retail Price (SRP) sa bigas.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – base ito sa napagkasunduan nila ng mga traders, millers at ilang mga kinatawan ng mga magsasaka sa kanilang pag-uusap noong nakaraang linggo.

Sa katapusan ng Oktubre ang SRP para sa bigas ay ang sumusunod:

– Regular Milled Rice P39 per kilo

– Well-Milled Rice P42 per kilo

– Long Grains Head Rice P44 per kilo

Bukod sa SRP, balak din ipatupad ang SBP o Suggested Buying Price para sa bigas na binibili sa mga magsasaka. (Remate News Team)