SRP sa manok pinag-aaralan ng DA

SRP sa manok pinag-aaralan ng DA

March 19, 2022 @ 12:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) nitong Sabado na pinag-aaralan nito ang posibilidad ng pagpapataw ng suggested retail price sa karne ng manok upang makontrol ang anumang “undue price hike” sa naturang bilihin sa gitna ng pagtaas sa presyo ng langis.

Nang tanungin kung magpapataw ang DA ng SRP sa karne ng manok, sinabi ni DA spokesperson at Assistant Secretary Noel Reyes, “Pinag-aaralan pa ‘yan.”

Tumaan ng P10 ang presyo ng parehong manok at baboy sa Sampaloc, Manila , ayon sa isang ulat.

Dahil dito, umapela si Reyes sa mga nagtitinda na huwag masyadong taasan ang presyo ng mga bilihin.

“Pakiusap naman natin ay ‘yung karagdagang presyo naman ay ‘wag naman masyado kataasan dahil nga sana ay i-proportionate sa taas ng presyo ng gasolina,” aniya.

“Sinasabi natin tataas ang presyo pero ‘wag naman ganu’n kalaki,” patuloy ni Reyes. RNT/SA