SRP sa pulang sibuyas sa NCR, P170 kada kilo – DA

SRP sa pulang sibuyas sa NCR, P170 kada kilo – DA

October 10, 2022 @ 1:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naglabas ng suggested retail price (SRP) ang Department of Agriculture ngayong Lunes, Oktubre 10 para sa mga pulang sibuyas sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Ito ay makaraan makapagtala ng taas-presyo sa ilang agricultural commodities ang ilang lugar dahil sa epekto ng bagyong Karding.

Sa Administrative Circular 09 na may petsang Oktubre 7, 2022, inilatag ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang SRP ng pulang sibuyas sa P170.00 kada kilo sa mga pamilihan sa rehiyon.

“[I]n order not to aggravate the current difficulties of the Filipino people affected by the pandemic and rising fuel prices, there is a need to guide the consuming public on the reasonable prices of basic necessities in the market,” ayon sa circular.

Sa huling datos ng DA, napag-alaman na umaabot ng P200 kada kilo ang average price ng lokal na pulang sibuyas. RNT/JGC