SSS: 13th month, year-end benefits ng pensioners ipalalabas sa unang linggo ng Disyembre

SSS: 13th month, year-end benefits ng pensioners ipalalabas sa unang linggo ng Disyembre

December 1, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ipalalabas ng Social Security System (SSS) ang 13th-month benefits at buwanang pensyon ng eligible members nito sa unang linggo ng Dsiyembre, upang maagang makapagwithdraw ng pera bago ang holiday rush.

Sinabi ni SSS Chief Executive Officer Michael Regino sa anunsyo nitong Huwebes na P29.74 billion halaga ang inilaan para sa benepisyo ng 3.36 million pensioners.

“This year, we have also pushed for the early crediting of the 13th month and December 2022 pensions so that our pensioners can withdraw them ahead of the holiday rush,” ani Regino.

Magsisimula ang pamamahagi ng unang batch ng pensions sa Disyembre 1, base sa SSS.

Samantala, magsisimula sa Disyembre 4 ang ikalawang batch, na nangangahulugang ang pensioners na nakatakdang makakuha sa Disyembre 16 hanggang Disyembre 31 ay makukuha ito nang mas maaga.

“Since December 4, 2022, falls on a Sunday, pensioners who are set to receive their pensions on the said date can expect that these will be credited to their account starting on the last working day before it, which is December 2, 2022,” ayon sa SSS.

“The SSS requested its accredited non-PESONet participating banks to release the said pensions to their SSS-pensioner clients no later than December 4, 2022. It has also requested the Philippine Postal Corporation to expedite the delivery of the checks of its pensioners who are receiving their pensions in this manner,” patuloy nito.

Ayon kay Regino, ito ay bahagi ng pasasalamat ng SSS sa pensioners para sa kanilang suporta noong sila ay nagtatrabaho pa.

“Since December 1988, we have been granting our pensioners the 13th-month pension, which is equivalent to their respective monthly pensions. This additional financial assistance or Christmas gift is our way of thanking them for their support to the SSS during their working years,” patuloy niya.

Inihayag ng SSS na nag pensioners na kwalipikadong makatanggap ng 13th-month pension ay SS retirement pensioners, SS Employees’ Compensation (EC) survivors, at total disability pensioners, kabilang ang partial disability pensioners na may pension duration na hindi bababa sa 12 buwan. RNT/SA