SSS data ligtas sa sunog

SSS data ligtas sa sunog

August 29, 2022 @ 8:57 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng Social Security System (SSS) na walang data records ng mga miyembro nito ang naapektuhan ng sunog na naganap sa main office, Linggo ng madaling araw, Agosto 28.

Sa isang kalatas, sinabi ng SSS na ang lahat ng payments ay tatanggapin at ipo-post nang naaayon.

“SSS assures the public that all member data records are not affected and there is no interruption in the delivery of its services in all branches and via online thru My.SSS, SSS Mobile App, and uSSSap Tayo portals,”dagdag na pahayag nito.

Sa ulat, nasunog ang bahagi ng main building ng Social Security System (SSS) sa East Avenue, Barangay Pinyahan, Quezon City, sa nasabing araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), nagsimula ang sunog sa electric room ng data center sa unang palapag ng gusali.

Itinaas ang first alarm bandang 2:05 a.m. at naapula ang apoy ng 5:11 a.m.

Walang namang naiulat na nasaktan sa sunog na tumupok sa P700,000 halaga ng mga gamit ng ahensya.

Inaalam na ang sanhi ng sunog at kung may iba pang mga kwarto sa punong tanggapan na naapektuhan ng sunog.