SSS employee patay sa kuryente

SSS employee patay sa kuryente

July 17, 2022 @ 10:24 AM 1 month ago


ILOCOS SUR-Patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay ang isang 52-anyos na lalaki sa Brgy. San Julian, Magsingal ng lalawigang ito kahapon.

Kinilala ng Magsingal Police ang biktima na si Edison Padayao y Arce, may asawa, empleyado ng SSS Vigan City.

Ang biktima ay natagpuang nakabulagta sa sahig ng kanilang bahay at hinihinalang nakuryente ito matapos na makakita ang mga otoridad  sa kama ng biktima ng extension wire na sira o sabog ang outlet nito.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Magsingal Police tungkol dito. Rolando S. Gamoso