SSS: Fund life mapapalawig ‘gang 2054 sa dagdag-kontribusyon

SSS: Fund life mapapalawig ‘gang 2054 sa dagdag-kontribusyon

December 22, 2022 @ 5:34 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagresulta ang mas mataas na member at employer contributions sa 22-year extension ng Social Security System’s (SSS) fund life, ayon sa ahensya nitong Huwebes.

Base sa SSS, inaasahang magpapalawig ang fund life hanggang 2054. Orihinal itong inaasahang magtatagal hanggang 2032, kasundo ng P1,000 dagdag sa pension benefits na ikinasa noong 2017.

Sinabi rin ng SSS na sa Social Security Act of 2018, na nag-uutos sa unti-unting rate increases, inaasahang mapapalawig ang fund life hanggang 2044, at batay sa pinakabagong pagtataya, mapapalawig ito hanggang 2054.

Ikinasa ang dagdag na contribution rates para sa SSS members ng 1% kada dalawang taon, simula 12% sa 2019 hanggang umabot ito sa 13% sa 2023 at 15% sa 2025.

Sagot ng employers ang one percentage point increase para sa mga empleyado sa ilalim ng bagong rate. Nananatili naman sa 4.5% ang share ng empleyado, habang tataas ang employer’s share sa 9.5% mula sa kasalukyang 8.5%.

Subalit, nais ng Employers Confederation of the Philippines na suspindehin ang nagbabadyang taas-singil sa kontribusyon dahil bumabangon pa umano ang mga negosyo mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Nauna nang dumepensa ang ahensya sa nasabing increase, at iginiit na makatutulong ito na mapondohan ang mas mataas na benefit disbursements.

“It is important for us to implement the contribution rate increase together with other social reforms so we could achieve this goal and ensure that we have sufficient funds to provide the short- and long-term benefits, including the immediate financial needs, of our members and pensioners especially in times of contingencies,” pahayag ni SSS president at CEO Michael Regino. RNT/SA