SSS, GSIS pwede pa rin magbigay sa Maharlika fund sa board approval – Diokno

SSS, GSIS pwede pa rin magbigay sa Maharlika fund sa board approval – Diokno

December 9, 2022 @ 3:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno nitong Biyernes, Disyembre 9 na maaari pa ring makapag-ambag ng pondo sa Maharlika Wealth Fund (MWF) ang Government Service Insurance System at Social Security System.

Matatandaan na inamyendahan ang panukala na inaalis ang SSS at GSIS sa pagkukuhanan ng pondo.

Sa televised briefing, sinabi ni Diokno na maaari pa ring mag-ambag ang dalawang ahensya sa hinaharap kung nais nila ng mas malaking balik.

“They are looking for higher returns because right now most of their money is invested in treasury bills, they don’t earn that much,” aniya.

“If they want higher return, they may decide to contribute but that is up to their respective boards of GSIS and SSS,” dagdag nito.

Kamakailan ay binatikos ng publiko ang paglalagay sa GSIS at SSS na pagkukuhanan ng kapital ng planong sovereign wealth fund at tinawag na “unconstitutional.” RNT/JGC