SSS MAGBABALIK NG PHP 105 MILYON SA PENSIONERS

SSS MAGBABALIK NG PHP 105 MILYON SA PENSIONERS

February 15, 2022 @ 2:10 PM 4 months ago


SINIMULAN na ng Social Security System ang pagbabalik ng nahulog ng 25,231 borrowers na kumuha ng loan sa ilalim ng Pension Loan Program noong taong 2020.

 

Aabot sa kabuuang halagang P105 million pesos ang mare-refund ng insurance corporation bilang pagtalima sa probisyon ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act, Bayanihan 2, na nag-uutos sa pampubliko at pribadong bangko, quasi-banks at lenders na magbigay ng thirty-day grace period para sa pagbabayad ng kanilang nautang na wala ring interest, penalties, at fees.     

  

Sakop nito ang loan payments mula September 15 hanggang December 31, 2020 kung saan nagsisimula pa lamang magbukas ang ekonomiya ng bansa.

 

Para sa pamunuan ng SSS, malaki ang maitutulong ng refund sa mga pensioners sa kanilang pangangailangan.  

 

Ang mga pensioner na nagsimulang maghulog ng October 2020 ay eligible mag-appy sa PLP habang makakakuha ng refund ang mga may loan payments ng November 2020 at December 2020. Pero ang mga nagsimula lamang ng December 2020 ay isang buwan lamang ang makukuha.

 

Tandaan, kinakailangang magtungo sa SSS branch para ma-aplay ang refund.   

 

-ooOoo-

 

SEARCHING FOR MAKATANG PILIPINO MAHILIG GUMAWA NG TULA

 

Sa mga mahilig gumawa ng tula, may panawagan ang Komisyon sa Wikang Filipino na lumahok sa “Talaang Ginto: Makata ng Taon 2022”.

 

Bukas ang kompetisyon sa lahat ng Pilipino, lalaki man o babae maliban na lamang sa mga empleyado ng KWF at kanilang pamilya.

 

Kailangang magsumite ng isang tula na mayroong isang daan o higit pang verses na umiikot sa iisang tema lamang.  Kinakailangan na mayroong pamagat.

 

Tatanggap ng mga lahok hanggang February 28, 2022. Sa mga katanungan maaaring tumawa o mag-text sa 0928.8441348 o sa email address na [email protected]

 

Premyong P30,000, P20,000 at P15,000 ang naghihintay.