SSS MEMBERS INAABISUHANG MAG-ENROLL SA DISBURSEMENT ACCOUNT ENROLLMENT MODULE  

SSS MEMBERS INAABISUHANG MAG-ENROLL SA DISBURSEMENT ACCOUNT ENROLLMENT MODULE  

January 13, 2022 @ 10:19 AM 7 months ago


SIMULA noong Hunyo 2020 ay nagpatupad ang Social Security System (SSS) ng mandatory checkless disbursement para sa loan at benefit applications.

Kaugnay nito, kung kayo ay wala pang na-enroll na disbursement account, kayo po ay inaabisuhang mag-enroll ng inyong naturang account sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) na makikita sa   E-Services menu ng inyong My.SSS account. Kung kayo ay wala pang My.SSS account, maaari po kayong magregister sa link na ito:  https://member.sss.gov.ph/members/registrationPages/memberE1.jsp

SSS members ay maaari lamang mag-enroll ng hanggang tatlong account mula sa alinmang PESONet banks, E-Wallet, Remittance Transfer Companies (RTC) o Cash Payout Outlets (CPO) na accredited ng SSS sa DAEM. Bukod dito, kayo po ay kailangang mag-upload ng alinman sa mga sumusunod na proof of account (POA) bilang patunay ng inyong pagmamay-ari ng inilagay na disbursement account sa DAEM:

a. Bank Account

  • ATM card na kita ang buong Account No., pangalan ng bangko at pangalan ng miyembro na naka-rehistro sa SSS;

  • Bank certificate/statement na inisyu ng hindi mas maaga sa 2019;

  • Foreign remittance receipt;

  • Passbook;

  • Screenshot ng online/mobile banking account; o

  • Validated deposit slip.

    b. E-Wallet

·        Screenshot ng mobile app account

Ang pagsusumite ng POA ay sinimulang ipinatupad ng SSS noong Disyembre 21, 2020 upang maprotektahan ang inyong My.SSS account mula sa anumang hindi awtorisadong transaksiyon at matiyak na ang loan at benefit proceeds ay naipagkakaloob sa dapat na makatanggap nito.

Pagkatapos isumite ang inyong disbursement account enrollment sa DAEM, ito ay sasailalim sa beripikasyon ng SSS at kayo po ay makakatanggap ng email hinggil sa magiging resulta nito. Nais din po naming ipaalam sa inyo na kailangang ma-verify o maaprubahan ng SSS ang inyong disbursement account bago ito magamit para sa SSS disbursements.

Samantala, hindi na kailangang pang magsumite ng POA para sa sumusunod na disbursement account:

  • Ang UMID card ay nagpatala bilang ATM (default disbursement account para sa mga miyembro na may UMID na nakatala bilang ATM);

  • Ang mga bank account na inilipat sa DAEM mula sa Sickness and Maternity Benefits Payment thru the Bank (SMBPB) Module; at

  • DBP Cash Padala Thru M Lhuilier.