SSS: Mga myembrong naka-home isolate sa COVID pasok sa sickness benefit

SSS: Mga myembrong naka-home isolate sa COVID pasok sa sickness benefit

January 21, 2022 @ 8:12 AM 7 months ago


MANILA, Philippines — Sinabi ng Social Security System (SSS) na maaaring mag-avail ng Sickness Benefit Program ang kanilang mga myembro na nakasailalim sa home quarantine bunsod ng COVID-19.

Sa anunsyo ng SSS, ang mga myembro na hindi makapagtatrabaho dahil sa sakit kabilang ang COVID-19 infection na na-confine o nagpapagaling sa bahay ng apat na araw ay maaaring mag-avail ng nasabing benepisyo.

Ang nasabing polisiya ay mapakikinabangan din ng mga overseas Filipino workers (OFW).

“SSS explained that members who cannot work due to sickness or injury and are confined either in a hospital or at home for at least four days could avail of the sickness benefit. Aside from employed members, SSS also grants sickness benefits to self-employed, voluntary, and [OFW] members,” ayon sa abiso.

“The SSS Sickness Benefit Program is a daily cash allowance paid for the number of days a qualified member cannot work due to sickness or injury, including workers infected by COVID-19. Members can avail of up to a maximum of 120 days in sickness benefit in one (1) calendar year,” dagdag pa.

Ang mga kwalipikado namang SSS members nan ais mag-avail ng Sickness Benefit Program ay kinakailangang i-notify ang kanilang mga employer.

Habang ang mga self-employed, voluntary, OFWs ay pwedeng mag-apply nang direkta.

Sa kabilang banda, ang mga tinamaan ng COVID-19 ay kinakailangan na magpakita ng positive RT-PCR test result o rapid antigen na isinagawa ng pasilidad na accredited ng Department of Health (DOH). RNT