SSS NAGBABALA KONTRA SCAMMERS

SSS NAGBABALA KONTRA SCAMMERS

January 11, 2022 @ 9:37 AM 7 months ago


NOONG nakaraang buwan, ang SSS o Social Security System ay tumanggap ng “unmodified opinion” mula sa COA o Commission on Audit para sa financial statement nito noong calendar year 2020 na panahon ng COVID-19 global pandemic.

Ito ang pinakamataas na audit rating na maaaring maibigay ng state auditors sa isang aheniya ng pamahalaan. Ibig sabihin nito, maayos, kumpleto, balanse at tama ang paggamit ng pondo.  

Congratulations sa pamunuan at bawat empleyado ng SSS sa magandang rating na ibinigay ng COA

Nagbigay ng babala at abiso sa publiko partikular sa mga miyembro nito ang SSS o ang Social Security System matapos bumaha ang mga nagrereklamong nabiktima ng mga mandaraya at fixer.

Muling iginiit ng ahensya na dapat ingatan ang kanilang personal information na may kinalaman sa paggamit ng kanilang social pension.

May mga pagkakataon kasing bigla na lamang nagkakaroon ng loan ang isang miyembro na hindi naman siya nagbigay ng aplikasyon dito.

Pinayuhan din ang publiko na huwag sumali sa mga naglipanang Facebook account na umano ay nakahandang magbigay ng assistance kapalit ng ibibigay ninyong halaga.

Para sa inyong kabatiran, maliban sa pagkuha ng UMID o ng Unified Multi-Purpose ID Card, ang lahat ng serbisyo ng SSS ay libre sa publiko. 

Nanindigan din ang SSS na hindi ito dapat singilin sa transaksyong pinasok ng miyembro sa isang fixer dahil malinaw na paglabag ito sa Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, at maging ng R.A. No. 11199 o ang Social Security Act of 2018.

Kung mayroon kayong katanungan ukol sa mga serbisyo at programa ng SSS, maaari ninyong bisitahin ang kanilang website, www.sss.gov.ph, sundan ang “Philippine Social Security System” sa FB, sa Instagram account na “mysssph”, Twitter feed na “PHLSSS” at sumali sa SSS Viber Community na “MYSSSPH Updates” o tumawag sa hotline number 1455.

Making at magkita-kita tayo sa “HEALTH & TRAVEL @ SERBISYO PUBLIKO” tuwing araw ng Martes sa DWBL 1242 AM band at sa live streaming kasama si Mr. Fernando F. Nicolas, Acting Vice President for Public Affairs and Special Event Division para makapaghatid ng Serbisyong Sulit na Sulit.