SSS online channels pansamantalang tigil-operasyon kasunod ng sunog

SSS online channels pansamantalang tigil-operasyon kasunod ng sunog

August 29, 2022 @ 6:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pansamantalang hindi mabubuksan ang online channels ng Social Security System (SSS) hanggang nitong Lunes, kasunod ng sunog sa ahensya nitong weekend.

Nag-abiso ang SSS na ang online platforms nito — ang official website, mobile application, at ang SSSap Tayo Portal — ay unavailable dahil apektado ng insidente ang kanilang operasyon.

Sumiklab ang sunog sa electrical room ng main office building ng SSS sa East Avenue sa Quezon City nitong Linggo ng umaga. Umabot ito sa unang alarma bago magdeklara ng  fire-out call.

Nagsimula ang sunog ng ala-1:43 ng madaling araw nitong Linggo at idineklara naman ng mga bumbero ang fire under control pagsapit ng alas-3:35 ng madaling araw hanggang sa tuluyang maapula pagtuntong ng alas-5 ng umga.

“SSS stakeholders are assured that all member data records were not affected by the incident,” saad sa abiso.

“The SSS asks for their patience and understanding while all efforts are being made to restore the availability of its online services as soon as possible,” dagdag nito.

Hindi na idinetalye ng SSS ang timeline ng interruption, subalit sinabing maglalabas ng abiso kapag umarangkada na ulit ang kanilang operasyon.

Pwede naman ng ipadala ang urgent concerns sa official email at social accounts ng SSS. RNT/SA