SSS’ ‘RACE’  KAHANGA-HANGA

SSS’ ‘RACE’  KAHANGA-HANGA

October 19, 2022 @ 1:24 AM 2 months ago


KAHANGA-HANGA ang bagong kampanya ng Social Security System na RACE o ang Run After Contribution Evaders na layuning matiyak ang pagtalima ng employers sa kanilang obligasyon na makapag-remit ng kontribusyon sa ilalim ng umiiral na batas o ang Social Security Act of 2018.

Sa naturang programa, binibisita ng SSS ang employers na hindi nakakapag-remit ng kontribusyon, hindi nag-rehistro, o hindi ini-report ang kanilang mga empleyado.

Ang naturang kampanya ay inilunsad noon pang 2017 bagama’t natigil lamang ito noong kasagsagan ng pandemya noong 2020 at 2021, pero ipinagpatuloy na ito ngayong 2022 at isinasagawa sa buong kapuluan.

Para nga sa taong kasalukuyan, nakapagsagawa na ang SSS ng RACE operation ng ika-43, 44, at 45 sa mga Lungsod ng Maynila, Pasig at Quezon habang umaabot na sa 176 ang operasyon sa buong bansa. Pangunahin nitong layunin ay upang mabayaran ang mga kontribusyon ng mga empleyado ng delinquent employers upang makinabang naman ang mga kawani sa benepisyo at programang pagpapa-utang na kinakailangan nila lalo na’t may pandemya.

Ang isa pa, dahil kinikilala ng SSS bilang partner ang employers sa pagbibigay ng social security protection sa kanilang mga empleyado upang hindi na madagdagan ang ipapataw na penalty sa mga napaso na nilang kontribusyon. Sa ilalim kasi ng batas, mayroong dalawang porsiyentong penalty kada buwan ang hindi nakapag-remit ng kontribusyon hanggang sa mabayaran ng buo.

Dahil naiintindihan ng ahensya na nahirapan ang employers at mga kawani na mag-remit ng kontribusyon dahil sa pandemya, nag-alok ang ahensya ng programang makakatulong sa kanila sa pagbabayad tulad ng Pandemic Relief and Restructuring Program 3 o Enhanced Installment Payment Program kung saan maaari nilang bayaran ang kanilang past-due contributions ng hulugan sa loob ng siyam hanggang 60-buwan, depende sa kabuuang halaga ng delinquency, bukod pa ang kanilang condonation programs.

Sa kasalukuyan, ang mga binibisitang employer ay binibigyan ng kautusan na nagsasaad na kailangan nilang makipag-ugnayan sa pagpapa-utang na kinakailangan nila lalo na ngayong may pandemya.

Ang isa pa ay dahil kinikilala ng SSS bilang partner ang mga employer sa pagbibigay ng social security protection sa kanilang mga empleyado upang hindi na madagdagan ang ipapataw na penalty sa mga napaso na nilang kontribusyon. Sa ilalim ng batas, mayroong dalawang porsyentong penalty kada buwan ang hindi nakapag-remit ng kontribusyon hanggang sa mabayaran ng buo.

Kung inaakala ng iba na ito lamang ang programang inilatag ng SSS, nagkakamali sila dahil nariyan din ang kanilang Warrants of Distraint, Levy, and Garnishment o WDLG, at iyong tinatawag nilang “Oplan Tokhang – SSS Style. ”

Hindi makaliligtas ang delinquent employers dahil patuloy ang ginagawang paniniktik ng kanilang Accounts Management Section at nagpapadala sila ng Statement of Account, Billing Letter, at Demand Letter, kung alin man dito ang mas naa-angkop.

Maaring magpadala ng inyong puna at reklamo sa aking email address na jrreyes.0428@gmail.com o pwede rin magpadala ng mensahe sa 0995-1048357.