SSS sa mga miyembro: Pamamahagi ng benepisyo, pensyon maaantala

SSS sa mga miyembro: Pamamahagi ng benepisyo, pensyon maaantala

September 17, 2022 @ 11:30 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nag-abiso ang Social Security System (SSS) nitong Biyernes sa publiko na maaantala ang pagpapalabas ng benepisyo at pensyon sa mga account ng ilang mga miyembro sa gitna ng restoration ng  connectivity sa pagitan ng servers at disbursement banks.

Inanunsyo ng SSS na maantala ang benefit proceeds at pensions na na-proseso mula Agosto 25, 2022 kasunod ng sunog sa gusali nito sa Quezon City noong Agosto 28, 2022.

“The SSS is asking for patience and understanding for this current situation while all concerted and immediate efforts are being made to restore the crediting back to normal operations,” sabi ng ahensya.

Samantala, sinabi ng Development Bank of the Philippines (DBP) — na nagsisilbing disbursement facility na nagbibigay ng monthly pensions sa mga account ng pensioner— na naproseso ang crediting ng unang batch ng pensions para sa Setyembre 2022.

Idinagdag ng SSS na inaasahan nitong maipapalabas ng DBP sa ikalawang batch ang pensions mula alas-4 ng hapon sa Setyembre 16 matapos magkaroon ng technical error.

“Online filing through the My.SSS portal is now in full operation effective September 1, 2022. Members can already submit their benefit claims applications using the said portal,” pahayag ng ahensya. RNT/SA