SSS: Salary loan aprub agad sa ’60 seconds + 5 clicks’’

SSS: Salary loan aprub agad sa ’60 seconds + 5 clicks’’

September 20, 2022 @ 7:12 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Maaari nang maaprubahan sa loob ng “60 seconds + 5 clicks” ang salary loan ng self-employed, voluntary, at overseas Filipino worker na pawang mga miyembro ng Social Security System (SSS).

Ito’y alinsunod sa ika-65 founding anniversary ng SSS noong Setyembre 1.

Simple lamang ang gagawin ng isang maga-apply na miyembro, kailangan nito na mag-log in sa kanilang My.SSS account sa pamamagitan ng SSS website o mobile application, i-click ang “Apply for Salary Loan” at i-fill out ang mga required na impormasyon, tumuloy sa confirmation o approval ng susunod na hakbang at pagkatapos ng 60 segundo ay makatatanggap na ang aplikante ng notification sa kanilang inbox na nagkukumpirma ng kanilang loan approval.

Gayunman, nilinaw ng ahensiya na ang loan application ng isang employee-member ay kinakailangang sertipikado muna ng kanyang employer bago pa aprubahan.

Pinaalalahanan din nito ang publiko na palaging sumunod sa loan payment amortization gamit ang SSS’ Payment Reference Number. Kris Jose