St. Luke’s nagsalita na sa drug test ni BBM

St. Luke’s nagsalita na sa drug test ni BBM

November 26, 2021 @ 11:40 AM 2 days ago


Manila, Philippines – Nagsalita na ang pamunuan ng St. Luke’s Medical Center (SLMC) sa tanong ng publiko tungkol sa inilabas na drug test ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanilang ospital.

Ayon sa spokesperson nito na si Vic Rodriguez, nagsagawa ng cocaine testing si BBM noong Lunes sa SLMC-Global City kung saan nagnegatibo ang resulta.

Inulan naman ito ng ilang komento mula sa netizen na mali umano ang letterhead ng SLMC at maging ang address nito ay hindi tama.

Paglilinaw ng SLMC sa kanilang Facebook post, ang format ng printed test result ay ‘standard and common’ sa lahat ng kanilang pasilidad na awtorisado ng Department of Health (DOH) na magsagawa ng dangerous drug tests.

“Regarding the mention of Barangay Ususan (in Taguig City) as our location, this is because that is the only available location in DOH Integrated Drug Test Operation Management Information System when St. Luke’s Medical Center – Global City was accredited in 2010.”

Hinikayat din ng ospital ang publiko na iwasang magpakalat ng maling impormasyon sa social media. RNT/FGDC