Sta. Maria Goretti parish sa Maynila sarado sa COVID

Sta. Maria Goretti parish sa Maynila sarado sa COVID

January 4, 2022 @ 8:26 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Isinara muna ang Sta. Maria Goretti parish church sa United Nations Avenue sa Paco, Maynila dahil sa dalawang miyembro nito ang nagpositibo sa COVID.

Ito ang anunsyo ni Fr. Dave Concepcion, parish priest sa kanyang social media account.

“For the duration of the closure, thorough disinfection and intense sanitation will be undertaken,” ani Concepcion.

“Online masses will continue to be streamed live at 7 a.m. from Monday to Saturday and at 9 a.m. on Sunday. There will be no communion outside the mass.”

Naunang post sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) website na pansamantala ring sarado ang National Shrine of St. Jude Thaddeus dahil sa nagpositibo sa COVID ang pari at ilang miyembro nito.

Sarado naman ang Sta. Maria Goretti parish hanggang Enero 14. RNT/FGDC