Stabbing incident sa Culiat HS, kinondena ng DepEd

Stabbing incident sa Culiat HS, kinondena ng DepEd

January 21, 2023 @ 12:00 PM 7 days ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) nitong Biyernes ang fatal stabbing incident sangkot ang mga estudyante sa Culiat High School sa Quezon City na nagresulta sa pagkamatay ng isang estudyante.

Sinabi ng DepEd – National Capital Region (DepEd-NCR) na patay ang isang  minor student, kung saan kapwa estudyante ang nanaksak, bandang alas-5:45 ng umaga sa loob mismo ng paaralan.

“We are deeply saddened and disturbed that violent incident such as this happened among our students inside the school which is supposed to be a safe place,” pahayag ng DepEd.

Sinabi ng DepEd-NCR na batay sa ulat ng Schools Division Office (SDO) ng Quezon City, ang sangkot na Child in Conflict with the Law (CICL) student ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad.

“Also, the students who witnessed the said incident already underwent psychological first aid,” ayon sa ahensya.

Tiniyak naman ng DepEd-NCR, sa pamamagitan ng SDO ng QC at Culiat HS, ang tulong sa pamilya ng biktima.

Samantala, binanggit ng DepEd na nakikipag-ugnayan na ang Regional Interim Learners Rights and Protection Section sa Division Child Protection Unit (CPU) at sa School Child Protection Committee (SCPC) para sa “appropriate intervention mechanisms” para sa CICL student.

“Follow-up stress debriefing sessions shall also be administered to students and teachers who witnessed the incident,” anang DepEd.

“DepEd-NCR shall continuously work with all stakeholders to ensure the safety and protection of our learners in our schools,” sabi ng ahensya. RNT/SA