Stamp ni Jawo inilabas ng Philpost

Stamp ni Jawo inilabas ng Philpost

October 17, 2021 @ 5:19 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pagkilala sa isang pinakamagiting na atleta ng bansa ang ipinagkaloob sa nag-iisang “Living Legend” ng basketball sa bansa na si Robert “Sonny” Jaworski, “Jawo” bilang bahagi ng ika-75 taong anibersaryo ng Philippine Postal Service o Philpost ang isang ‘commemorative post stamp.’

Ang stamp ay bilang pagbibigay halaga at pasasalamat sa naiambag ng 75-anyos na 1978 MVP at 13-time PBA champion, ayon kay Postmaster General at CEO Norman N. Fulgencio, si Jawo ang pinakamalapit sa puso ng tagahangang Pinoy, na nagtagumpay din sa pulitika bukod sa sports na minamahal ng Pilipinas.

 “This is our opening salvo, our title kase of Salamat: Pagpupugay sa Alamat Living Legend Series and it’s very much appropriate that the opening should be given to the one-and-only Robert Jaworski, the original Living Legend,” ani Fulgencio sa panayam ng mga mamahayag habang saksi ang anak ng dating Ginebra guard na si Robert “Dudut” Jaworski Jr.

Aniya, bukod kay Jaworski, maglalabas din ang Philpost ng ilang commemorative stamps bilang parangal sa mga bayaning atletang Pinoy na sina 6-time World Bowling champion, World at Philippine Hall of Famer at Guinness World Record holder na si Raphael “Paeng” Nepomuceno at ang legendary World billiards champion Efren “Bata” Reyes.

“After next series there will be surprise legends na never nabigyan ng pansin and as a matter of fact, yung dalawang nakausap ko, medyo naiyak sila, finally daw na-notice sila and I think I want to mention their names it’s Paeng Nepomuceno and Efren “Bata” Reyes. Our world champions, both are Hall of Famers,” ani Fulgencio. JC