Star Brand Reputation Rankings sa buwan ng Setyembre, inilabas na!

Star Brand Reputation Rankings sa buwan ng Setyembre, inilabas na!

September 21, 2021 @ 3:03 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

SOUTH KOREA – Inilabas na ng Korean Business Research Insitute ang kanilang brand reputation rankings para sa buwan ng Setyembre!

Pinagbasehan nito ay ang impluwensiya ng bawat Kpop group, artists, actors at actresses pagdating sa consumer participation, interaction, awareness at media coverage mula Agosto 21 hanggang Setyembre 21.

Nanguna sa Top 30 ay ang world hit Kpop group na BTS na may brand reputation index na 10,411,176 sinundan ng trot singer na si Im Young Woong na mayroon naman 9,469,958.

Pumangatlo sa listahan ang Kpop girl group na BLACKPINK, sinundan ni IU at ni Lee Chan Wok!

Nakasama rin sa Top 30 ang iba pang kilalang Kpop group katulad ng Red Velvet, Twice, Girls’ Generation, NCT, EXO, Seventeen, Lovelyz, SHINee at Apink. RNT


  •  
  •  
  •