Star City magbubukas na!

Star City magbubukas na!

January 5, 2022 @ 6:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Ilulunsad na ang soft opening ng Star City sa Enero 14, 2022, batay sa anunsyo nito sa opisyal na Facebook page.

Sinabing mabibili ang ticket sa kanilang gate o entrance habang antabayanan naman kung paano ito mabibili online.

Magkakahalaga ang tiket ng P400.

Habang nakalahad sa anunsyo na bukas ito araw-araw mula alas-2 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.

Maaalalang noong Oktubre 2, 2019 na nasunog ang Star City at tuluyang nagsara.

Samantala, ang nakatakdang pagbubukas ay sakop pa rin ng umiiral na Alert Level 3 sa NCR. RNT/SA