Ilang kalsada sa Pasay, isasara para sa prusisyon ng Sto. NiƱo sa Enero 29

January 28, 2023 @12:48 PM
Views: 7
MANILA, Philippines- Ipasasara ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang ilang kalsada sa lungsod upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng prusisyon ng Sto. NiƱo sa Linggo (Enero 29).
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, pansamantalang hindi na muna papapasukin ang mga motorista sa F.B. Harrison St. mula Buendia hanggang EDSA at Arnaiz Avenue mula Roxas Bouevard mula alas-11 ng umaga hanggang sa takdang oras na matapos ang prusisyon ng Sto. NiƱo.
Magsisimula ang prusisyon ng Sto. NiƱo alas-3 ng hapon at aalis sa Pasay City Hall kung saan babaybayin ang F.B. Harrison patungong EDSA, babaybayin ang EDSA at kakanan ng Roxas Boulevard at kakaliwa ng Buendia papuntang Liwasang Ipil-ipil sa lungsod.
Sinabi ni Calixto-Rubiano na ang imahen ng Sto. NiƱo ay dinala sa Pasay City Hall noong Enero 15 at nanatili ito ng tatlong araw bago ito inilipat sa Pasay City Astrodome kung saan nagkaroon ng misa at novena na pinangunahan ni Bishop Leopoldo C. Jaucian ng Diocese of Bangued.
Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na mahigit 100 imahen ng Sto. NiƱo ang naka-display sa Pasay City Astrodome na binuksan sa publiko nitong Enero 19 mula ala-1 ng hapon hanggang alas- 9 ng gabi. James I. Catapusan
Kahalagahan ng health literacy, isinusulong ng DOH

January 28, 2023 @12:36 PM
Views: 12
MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Health (DOH) na napakahalaga ang pagpapalakas ng health literacy ng mga indibidwal sa pagbuo ng malusog na komunidad.
Ayon kay Dr. Miguel Mantaring, DOH health promotion bureau division chief, mahalagang malaman ng publiko ang mga bagay na makakaapekto sa kalusugan ng isang tao.
Nakalista ang health literacy bilang isa sa mga pangunahing estratehiya sa Health Promotion Framework Strategy 2023-2028, kasama ang malusog na pamamahala at mga setting.
Ipinunto rin aniy ang pangangailangan na pahusayin ang “baseline factors ” tulad ng mga socioeconomic factors, physical environment, health behaviour ay healthcare “upang matulungan ang mga tao na gawing mas madali ang isang malusog na mga desisyon.”
Binigyang-diin din ni Mantaring ang pangangailangan ng presensya sa lokal na komunidad at suportado ng ating mga local decision makers. Jocelyn Tabangcura-Domenden
P4.8M marijuana winasak sa Ilocos Sur

January 28, 2023 @12:24 PM
Views: 11
ILOCOS SUR-Nagkakahalaga ng P4,840,000 na fully grown marijuana plants ang pinagbubunot at sinunog ng mga awtoridad sa isang taniman ng marijuana na nadiskubre nila sa Brgy. Licungan, Sugpon ng lalawigang ito kahapon ng umaga.
Nagsasagawa umano ng marijuana eradication operation ang mga pinagsanib na grupo ng Sugpon MPS, ISPIU/ISPDEU at PDEA-RO1 sa Brgy. Licungan nang madiskubre nila ang naturang taniman na natatamnan ng 24,500 na fully grown marijuana plants.
Nabatid na habang patungo sa target area ang mga otoridad, may namataan silang tatlong lalaki na nasa layong 30 metro mula sa kanila at nang tangkain nilang lapitan ang mga ito ay agad na nagsitakbuhan.
Hinihinalang ang mga tatlong lalaki na tumakas ay mga marijuana cultivators. Rolando S. Gamoso
CSC nag-aalok ng leadership, HR training courses para sa civil servants

January 28, 2023 @12:12 PM
Views: 16
MANILA, Philippines- Mahigit 70Ā “leadership, foundation, and human resource management (HRM) courses” ang inaalok ng Civil Service Commission (CSC), sa pamamagitan ngĀ Civil Service Institute (CSI), ngayong 2023.
Bahagi ito ngĀ programa ng CSC na naglalayong palakasin angĀ public service sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na learning interventions.
Sinabi ni CSC Chairperson Karlo Nograles na ang mga courses ay kinabibilangan ng iba’t ibang leadership at HR functions gaya ngĀ Leadership and Management Certification Program (CPro), Public Service Values Program (PSVP), CSI Leadership Series, Competency-based HR Program (CBHR), Learning and Development (L&D) Programs at Strategic HROD Series.
Sinabi ni Nograles na ang mga registered participants na matagumpay na nakompleto ang mga online courses, kabilang na ang mgaĀ requirements,Ā ay makakakuha ngĀ certificate of completion na mayĀ leadership at managerial training hoursĀ na maaaring gamitin para ma-meet ang training requirement para saĀ managerial and supervisory positions sa civil service.
āIto ay bahagi ng regular na programa ng CSC na maghatid ng learning and development interventions para sa mga lider at kawani ng pamahalaan. Mahalaga para sa ating mga lingkod bayan na mayroon silang continuous learning, na patuloy na madagdagan ang kanilang kaalaman at mahasa ang kanilang competencies na kinakailangan para makapagbigay ng maayos na serbisyo publiko,” ang wika ni Nograles.
Idinagdag pa niya na ang lineup ng mgaĀ coursesĀ ngayong taon ay dinisenyo para tulungan ang mga civil servants, kabilang na ang “managers and human resource practitioners, navigate through the changes in the bureaucracy and the challenges of public service in the post-pandemic era.”
“Siniguro naming ang mga ito ay relevant o naaayon sa kasalukuyang panahon kung saan maraming nagaganap, at marami pang magaganap na mga pagbabago sa ating mga pamamaraan ng pagtatrabaho dulot ng pandemya. Makakaasa ang ating mga lingkod bayan na magiging sulit ang pagdalo nila sa mga trainings ng CSCĀ ,” aniya pa rin.
Binigyang-diin pa ni Nograles na mas maraming “learning and development interventions” ang iaalok ng CSC Regional Offices (ROs).
“The CSC-CSIās Learning and Development Plan Matrix, as well as the details about each course, can be accessed at csi.csc.gov.ph.,” ayon kay Nograles.
Samantala, para sa mga interesadong kumuha ngĀ training coursesĀ na inaalok ng CSC ROs, mangyaring direktang magtanong sa CSC RO kung ano man ang mga concerns.
Ang directory ngĀ CSC offices ay available saĀ CSC website na www.csc.gov.ph.Ā Kris Jose
PH embassy nagbabala sa mga OFW vs lethal Israel raid

January 28, 2023 @12:00 PM
Views: 19