Star player bibitiw na sa kanyang mother team

Star player bibitiw na sa kanyang mother team

February 1, 2022 @ 11:21 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Malapit na ring mapaso ang kontrata ng star player na ito sa kanyang team at inaasahang papasok ito sa unrestricted free agent.

Kaya nga sa kasaluluyan ay maraming teams sa PBA ang umaaligid sa kanya para makuha ang kanyang serbisyo, kasama na rito ang ilang teams sa Japan B league.

Tsika ng Hula whoops na hindi naman umano ito pipigilan ng management dahil sa taas ng sahod na offer  ng ibat ibat teams sa PBA at B league sa basketbolista.

Bagamat ang koponang ito ay naka recover na sa muntikan nang pagbagsak ng negosyo at pagbebenta ng kanilang franchise dahil sa pandemic.

Siyempre hindi naman nila puwedeng ibigay lahat sa isang player lang malaking sahod  kung makakakuha naman ang team na 2 players sa sweldo ng star player.

Hindi kabado ang koponang ito kung mawala sa kanila ang franchise player nilang tinuturing, sapagkat sa darating na drafting ngayong April maraming malalaki at mshuhusay na players ang  makapapalit nito. HULA WHOOPS? Dwayne Rituel