Star player binahay na ang gf

Star player binahay na ang gf

December 11, 2021 @ 10:43 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Hulaan niyo, sino ang  star player na nagsiguro na at ibinahay na ang  makatutulo ng laway na jowa upang  hindi na makawala pa ang tsikas.

Isang modelo ang babae, maganda at sexy kahit sino ang makakitang lalaki  sa nobya ng basketbolista ay siguradong mapapalingon.

Bagay na bagay ang player at jowa niya, pero may ugali ang girl na may pagka suplada. Tila hawak sa leeg si player. Under nga ba ito sa kanyang magandang nobya?

Hindi mo akalain sa tapang ng 6’4 player sa gitna ng court ay siya namang tameme  sa kanyang jowa. Pagdilatan lang  daw ito ng mata ng girl sunod agad si player.

Mahal lang ni player ang kanyang nobya kaya sunod sunud sunuran  lang siya dito. Kaya nga binahay na ni player para kanyang kanya na ang babae.HULA WHOOPS?Dwayne Rituel