Star player hiwalay na sa asawang dawit sa modus

Star player hiwalay na sa asawang dawit sa modus

January 13, 2022 @ 10:08 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Matagal na pa lang hiwalay ang sikat na basketball  player sa kanyang mayaman na asawa.

Matatandaang ang  basketbolista ay  sikretong ikinasal sa asawa nito noon sa Cebu na ikinagulat ng lahat.

Lahat ng luho ay ibinigay ng babae sa player na ultimo pati pamilya ng lalaki ay nakinabang sa maperang babae.

Pero ang lahat ng tinatamasang kaginhawaan ng djowa ng player ay biglang naglaho dahil nabaon ito sa utang.

Ngayon ay nabisto na ang mga kalokohan ng babae, pero nasaan ang sikat na player. Kailangan siya ngayon ng kanyang asawa para matulungan nito .

Kaso hiniwalayan na ng basketbolista ang esmi nito, kaya pala kapag nanonood ang girl ay mahiwaga dahil hindi ito ipinakikita  sa television ng mga cameraman kada present ang beauty sa laro ng djowang player.

Sana magkaayos pa ang player at asawa nito. Hindi lang naman siguro sa pera ang lahat. Makababangon rin naman yung girl kung totoong mayaman ito.

Pwede siyang matulungan ng kanyang mga magulang sa malaking problema na sinusuong nito. Mabait  naman ang misis ng player.

Tumutulong sa mga taong nangangailangan ng tulong.Saka sa totoo lang very supportive siya sa basketbolista. HULA WHOOPS ? Dwayne Rituel