Star player iti trade? 

Star player iti trade? 

December 7, 2021 @ 9:53 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Maganda ang ipinakita ng star player sa kanyang team. Lalo na noong panahon ng championship game. Buwis buhay pa nga ang basketbolista sa kanilang bubble game finals.

Mainit ang usapan ngayon na iti-trade ang power forward player ng team. Mahusay rin naman ang kapalit nito na ibang shooter rin at matapang sa hardcourt.

Pero mukhang malabong payagan ito ng pinaka boss ng kumpanya dahil sa husay ng player. Matangkad ang manlalaro ng koponang ito.  Kapag kinapitan ng suwerte ang player ay kakaiba ang nagiging laro

Ano kaya ang hindi nagustuhan ng  mentor ng team sa 6’7 player. Saan mang aspeto ay kapaki-pakinabang ang batang player bukod pa sa naging player  ito ni coach  sa Gilas Pilipinas.

Nagchampion ang team at malaki ang naitulong ng basketbolista. Ano kaya problema ng player at coach. HULA WHOOPS? Dwayne Rituel