Star player ng team natameme, team ‘di nakapasok sa finalsTameme ang Star player

Star player ng team natameme, team ‘di nakapasok sa finalsTameme ang Star player

April 3, 2022 @ 12:11 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nawala ang pagiging maangas ng player nang mabigo ang kanilang team na makausad sa kampeonato. Hindi akalain ng basketbolista na mabubulilyaso pa ang pagpasok ng team nito sa finals

Kaya naman nang matalo ang koponan ay natameme ang player. Tulala pagkatapos ng laro. Sabagay hindi lang naman siya ang nagreact ng ganoon.

Minsan kasi dapat hindi nauuna ang yabang. Kahit pa lamang ang sila sa kalaban, may mga insidente na nangyayari na hindi inaasahan.

Kung hindi nadale ng injury ang import ng kanilang team, malaki ang chance nila na pumasok sa championship game. Kasi nga dehado ang team ng maangas na player.

Isang malaking leksiyon ito sa mga players na may kayabangan sa loob ng court. Ika nga bilog ang bola hanggat hindi tumutunog ang last buzzer ng laro wag muna magbunyi.HULA WHOOPS ? Dwayne Rituel