Starpay itinanggi ang alegasyon ni Pacquiao sa cash aid corruption

Starpay itinanggi ang alegasyon ni Pacquiao sa cash aid corruption

July 6, 2021 @ 9:55 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Starpay Corp., e-wallet service na ginamit sa pamamahagi ng ayuda ang akusasyong korapsyon ni Sen. Manny Pacquiao.

“With our large partner network, we were able to expand and assist several million more beneficiaries to receive their much-needed amelioration. This was achieved because of our unique online and offline distribution model, where beneficiaries without smartphones were given reference numbers to claim their amelioration at their own time and convenience,” pahayag ng Starpay.

Anila, mabilis na nakuha ng mahigit limang milyong benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda sa pamamagitan ng kanilang e-wallet service.

Naibalik na rin ng Starpay sa DSWD ang P8.239 bilyong hindi naipamahaging ayuda.

Nilinaw din ng kompanya ang sinabi ni Pacquiao na ang kapital nito ay P62,000 lamang.

Anila, lisensyado ang kompanya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na kailangan ng P100 milyong kapital upang makakuha ng lisensya mula rito.

Matatandaang isiniwalat ni Pacquaio na mayroong P10.4 bilyong nawawalang pondo sa Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD.

Bukas naman ang DSWD sa imbestigasyon ukol sa alegasyon ng senador. RNT/ELM