State funeral ni FVR, ‘di special non-working holiday

State funeral ni FVR, ‘di special non-working holiday

August 4, 2022 @ 4:21 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng Office of the Press Secretary nitong Huwebes na hindi idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Agosto 9 bilang special non-working holiday bilang parangal sa yumaong dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Ang paglilinaw ay kasunod ng isang post na kumalat sa social media, na nagsasabing ang Agosto 9 ay idineklara ng Chief Executive bilang isang special non-working holiday.

“Hindi po ito totoo at walang inilalabas na anunsyo o proklamasyon tungkol dito. Maging mapanuri tayo sa mga nababasa at nakikita na social media,” Press Secretary Trixie Cruz-Angeles said in a post.

Si Ramos ay bibigyan ng state funeral sa Agosto 9, ayon sa Malacañang. Una rito, nagbigay ng huling paggalang si Marcos kay Ramos sa Heritage Park sa Taguig City.

Ang pagkamatay ni Ramos ay inihayag ng kanyang pamilya noong Linggo, Hulyo 31. RNT