State of calamity idineklara na sa Bangsamoro

State of calamity idineklara na sa Bangsamoro

October 29, 2022 @ 12:59 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Idineklara na ang state of calamity ang Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa matinding epekto ng bagyong Paeng nitong Sabado, Oktubre 29.

Matatandaan na marami ang naitalang mga nasawi partikular na sa isang komunidad na natabunan ng lupa mula sa gumuhong bahagi ng bundok.

Ngayong araw din ay nilinaw naman ng pinuno ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence na ang death toll sa landslide at pagbaha sa Maguindanao ay nananatili sa 42 mula sa naunang iniulat na 67 nasawi.

Sa kabila nito, nagpapatuloy ang retrieval operations sa 80 mga residente na nawawala dahil sa pagguho ng lupa.

Nagpadagdag na ng rescue teams at mga heavy equipment ang rehiyon para sa mga apektadong lugar. RNT/JGC