State of calamity, idineklara sa 2 bayan sa Samar sa LPA, shear line

State of calamity, idineklara sa 2 bayan sa Samar sa LPA, shear line

January 12, 2023 @ 6:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inilagay ang munisipalidad ng Basey sa Samar sa ilalim ng state of calamity nitong Huwebes sa gitna ng malawakang pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan dahil sa low pressure area (LPA) at sa shear line.

Ipinasa ng Office of the Sangguniang Bayan ang resolusyon sa deklarasyon kasunod ng rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) matapos ang pagsusuri sa“extent of damages caused by heavy rains that resulted in flooding in several barangays of the municipality”. 

“It is hereby resolved, to approve a resolution declaring the municipality of Basey under the state of calamity due to the damages caused by heavy rains resulting to serious flooding caused by the shear line and the LPA affection Region 8,” saad sa Resolution No. 01 Series of 2023.

Ikalawa ang Basey sa mga bayan sa Samar na isinailalim sa state of calamity kasunod ng Gandara nitong Miyerkules dahil sa epekto ng walang tigil na ulan.

Base sa Office of Civil Defense, may kabuuang 438,622 indibidwal o 106,961 pamilya ang apektado ng masamang panahon sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula January 2. RNT/SA