State of calamity idineklara sa barangay sa S. Cotabato sa cholera outbreak

State of calamity idineklara sa barangay sa S. Cotabato sa cholera outbreak

May 24, 2022 @ 11:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isinailalim ng mga lokal na awtoridad ang isang barangay sa Surallah, South Cotabato sa state of calamity dahil sa cholera outbreak.

Ang natukoy na barangay ay Colongulo, batay sa ulat nitong Martes 

Isinugod sa ospital ang 10 residente matapos makaranas ng diarrhea.

Apat sa kanila ang nag-positibo sa cholera.

Nasawi naman ang isang 9-anyos.

Inilahad ng committee on health ng lokal na pamahalaan na nadiskubre ang coliform bacteria sa pinagkukunan ng inuming tubig ng mga residente.

Ilang palikuran din sa ilang sitio ang nakikitaan ng problema. RNT/SA