Pangasinan – Isinailalim na sa State of Calamity ang Dagupan City sa Pangasinan dahil sa matinding pagbaha dulot ng high tide at tuloy-tuloy na buhos ng malakas na ulan.
Ayon kay Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) research and planning officer na si Ron Castillo, higit sa benteng barangay na ang lubog sa baha.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
- Bacayao Norte
- Bacayao Sur
- Barangay I, II,III, and IV
- Bolosan
- Bonuan Binloc
- Bonuan Boquig
- Bonuan Gueset
- Calmay
- Carael
- Caranglaan
- Herrero Perez
- Lasip Chico
- Lasip Grande
- Lomboy
- Lucao
- Malued
- Mamalingling
- Mangin
- Mayombo
- Pantal
- Poblacion West
- Pogo Chico
- Pogo Grande
- Pugaro
- Salapiñgao
- Salisay
- Tambak
- Tapuac
- Tebeng
Dagdag pa ni Castillo, nagsimula ang pagbaha noong Huwebes pa ng gabi at hanggang ngayon ay patuloy pang tumataas.
Nakalikas na ang mga residente habang wala pa namang naitalang casualty.
Samantala, nakapagpadala nan g tulong pinansiyal at relief operations ang regional at national offices. (Remate News Team)