State of calamity idineklara sa Leyte sa #OdettePH

State of calamity idineklara sa Leyte sa #OdettePH

December 30, 2021 @ 2:40 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Idineklara ang state of calamity nitong Huwebes sa buong probinsya ng Leyte dahil sa pinsala ng Bagyong Odette.

Dulot nito ang mas mabilis na proseso upang magamit ang calamity fund para maibigay ang paunang tulong sa mga biktima ng bagyo at para sa rehabilitasyon.

Batay sa deklarasyon ng Sangguniang Panlalawigan, matinding pinsala ang iniwan ng Bagyong Odette sa sektor ng komunikasyon, kuryente, transportasyon, imprastraktura at agrikultura sa probinsya.

Itinuturing ang Odette na pinakamalakas na bagyong pumasok sa Pilipinas ngayong taon.

Aabot sa 200 kilometro kada oras ang lakas ng hanging dala nito bago nag-landfall sa Siargao Island noong Disyembre 16.

Halos 400 din ang pinangangambahang namatay dahil sa pananalasa ng bagyo, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. RNT/SA