State of calamity idineklara sa munisipalidad sa Davao del Sur sa baha

State of calamity idineklara sa munisipalidad sa Davao del Sur sa baha

November 18, 2022 @ 10:54 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang isang munisipalidad sa Davao del Sur dahil sa matindig pagbaha at landslide dulot ng tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan nitong Huwebes, Nobyembre 17.

Sa ulat ng provincial information office, nagdulot ng matinding pagbaha at landslide ang ilang oras ng malakas na pag-ulan sa munisipalidad ng Malalag na nagresulta pa sa pagkasawi ng dalawang residente nito.

“Flooding can be seen in any direction. Rivers around the Poblacion area overflowed, which resulted in the flooding of the public market and terminal,” ayon sa ulat.

Ang dalawang nasawi ay nagmula umano sa Barangay Ibu at Barangay Pitu.

Nagkasa naman ng rescue operations at forced evacuation ang mga awtoridad sa mga apektadong lugar at sinuspinde rin ang klase sa lahat ng antas.

Maliban sa bayan ng Malalag, binaha rin ang mga munisipalidad ng Sulop at Kiblawan ng kaparehong probinsya na itinuturing na mga low-lying areas.

Samantala, naitala naman ang pagguho ng lupa sa Sitio Baluyan, Barangay Bolton, at Barangay Tagansule, sa naturang bayan. RNT/JGC