State of calamity idineklara sa Tagum bunsod ng grabeng pagbaha

State of calamity idineklara sa Tagum bunsod ng grabeng pagbaha

January 23, 2022 @ 11:02 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Isinailalim sa state of calamity ang syudad ng Tagum sa Davao del Norte bunsod ng matinding pagbaha.

Ayon sa ulat, mula Martes, Enero 18, pa ay nag-uulan sa syudad kaya naman nagdulot ito ng pagbaha.

Base sa Tagum City Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot sa 6,643 pamilya o mahigit 30,000 indibidwal ang apektado ng ng pagbaha.

Dahil dito, inaprubahan ng Tagum City Government ang pagsasailalim ng lungsod sa state of calamity.

Aabot naman sa mahigit P3 milyon ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa siyudad bunsod ng pagbaha. RNT