State of calamity sa Iloilo idedeklara sa ASF

State of calamity sa Iloilo idedeklara sa ASF

October 28, 2022 @ 12:54 PM 1 month ago


ILOILO CITY –BUNSOD ng pagtaas ng kaso ng African swine fever (ASF) dahil sa higit sa 1,000 baboy na ang nagpositibo sa nasabing virus sa probinsyang ito planong magdeklara ng state of calamity ang Provincial Veterinary Office (PVO).

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Darel Tabuada, nasa 600 baboy na ang kanilang nailibing sa higit 1,000 baboy na positibo sa ASF sa bayan ng Oton.

Habang higit sa 300 baboy ang target nilang ilibing mula sa dalawang barangay sa bayan ng San Miguel pinakahuli na nadiskubre nilang mayroon ASF.

Aniya, plano na rin nilang isama ang nasa .5-kilometer radius na kalapit na mga barangay na apektado ito ay ang Barangays 15 at San Jose.

Inengganyo na rin ni Tabuado ang iba pang mga nag-aalaga ng baboy na magsumite ng kanilang mga baboy na mayroon ASF sa kabila ng pagtanggi ng mga ito.

Sa ngayon nagsasagawa na rin ng beripikasyon ang PVO ang mga babog na apektado sa Barangay 15 na kung saan sa inisyal na ulat ay nakapagtala ang mga ito ng higit sa 140 na ulo habang ang San Jose ay nakumpirmang positibo sa ASF simula noong Oct. 24.

Sinabi pa ni Tabuada na sisikapin nilang kumpletuhin ngayong araw (Biyernes) ang gagawin pag-alis sa mga apektado ng baboy para masimulan na rin ang pagbabantay sa ibang lugar.

“We will conduct surveillance to know the extent of the spread of the virus in other barangays,” ani Tabuada

Bubuo na rin ng grupo ang PVO para magsagawa ng pagpupulong sa 300 magsasaka sa munisipalidad para talakayin ang kanilang mga suliranin tulad ng pagkalugi sa kanilang negosyo, pagbagsak ng halaga ng baboy sa San Miguel at ang bentahan sa labas ng munisipalidad na mahigpit na ipinagbabawal dahil nasa “red” o infected zone ang nasabing bayan.

Nakapagtala naman ng mga apektado ng ASF sa Barangay Bita Norte nitong Oc. 13, at 23 pang barangay ang naitala sa nabanggit na bayan.

Samantala, inaasahan naman ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., na posibleng magdeklara ng state of calamity sa susunod na linggo kapag nakumpleto na ng kinakailangan bilang mga apektadong lugar ng ASF virus./Mary Anne Sapico